Glitter Words

Friday, August 6, 2010

FROM WANG-WANG TO KAWAWANG SHUTTLE DRIVERS AND OPERATORS

[Someone close to me is greatly affected by the recent MMDA anti-colorum drive. I'd just like to express his sentiments, which I think are valid and need careful creative rethinking by PNoy and his team of blue boys.]

Ang kolorum na AUV (aka FX o shuttle) nga ba ang dahilan ng trapiko sa Metro Manila? Nasan ang datos nyo? Natanong nyo ba ang mga taga PLM,PNU, La Salle, PWU, St Paul, Manila Doctors at mga call center employees na araw-araw sumasakay dito kung gaano nila naapreciate ang presence ng mga tulad namin lalo na sa gabi at madaling araw, at wala na silang masakyan?

Alam nyo po ba kung bakit maraming kolorum na bumabyahe? Kasi po napakamahal ng prangkisa, hindi makatarungan ang presyo. Sa laki, kailangang ipangutang pa! Marami po kaming umaasa (drayber, may-ari ng sasakyan) sa kita ng byahe ng tinatawag nyong "kolorum", pambili ng pagkain sa pang-araw-araw, pambaon sa skwela, pambayad sa ubod ng taas na singil ng kuryente. Marami ring mga nagtatrabaho, nag-oopisina, mga mag-aaral ng kolehiyo na araw-araw, rain or shine, pumipila sa mga "kolorum" dahil kahit paano, mas maginhawang sumakay dito, malinis,aircon, tama lang ang singil. Pagkatapos magbanat ng buto maghapon, konting comfort lang ng katawan pauwi ang inaasam, dahil sa gabi at madaling araw lang naman nakakabyahe ang "kolorum". Ang laking tulong din nito sa reduction ng pedestrians sa kalye, dahil sa isang AUV, 12 ang maximum na pasahero.

Kung ititigil rin lang ang sistema ng kolorum sa ngalan ng batas, mag-isip naman ang Pangulo at mga kinatawan nya ng alternatibo upang makapaghanapbuhay pa rin ang mga tsuper at may-ari ng sasakyan, at makabyahe pa rin ng maginhawa ang libu-libong pasahero. Kalampagain sana ang LTFRB, na maging patas sa pagpresyo ng prangkisa.

Ang hinanakit naming maliliit na may-ari ng sasakyan, pinag-iinitan kami dahil wala kaming laban at walang mga kapit sa heneral, ombudsman, cabinet secretary o congressman. Willing po kaming magbayad ng prangkisa kung sa kaban ng bayan at kapakanan nito mapupunta ang ibabayad namin. Pero wag naman kaming damputin at i-deprive ng ikinabubuhay namin. Hindi po kami mga kriminal. Kung mga kriminal nga, hindi nyo mahuli-huli dahil mabilis kumaripas ng takas, o mataas ang kapit. Kami, mga mababait na tupang sumasama sa inyo pag hinuhuli nyo dahil wala talaga kaming magawa.

Suggestion ko magkaroon ng public forum tungkol sa usaping ito. Palagay ko hindi alam ni PNoy ang puno't dulo nito. The MMDA is under the direct supervision of the President, right? Iparating nyo naman please ang saloobin ko, which I am sure ay saloobin rin ng maraming maliit na tao na nais lang kumita ng marangal upang mabuhay sa pang-araw-araw.

No comments:

Post a Comment